The Maid and The Millionaire

P 99.95

Add to my wishlist

DESCRIPTION

Dahil sa pangangailangan ni Belle ng sapat na halaga para ipantulong sa nanay niyang nagkasakit kaya naman mabilis siyang pumayag na maging katulong sa isang malaking bahay sa subdivision na pinagta-trabahuhan din ng bestfriend niyang si Dana. Ang hindi niya inaasahan ay ang magkagusto siya sa guwapo, simpatiko, at mabait niyang amo na si Carmine Oerick Falcon.

Tuwing nakikita niya ito ay hindi niya mapigilan ang sarili na kiligin, lalo na at mukhang ang pagkakataon pa ang laging gumagawa ng paraan para mapalapit siya rito. Dumating ang araw na kinailangan nito ang kanyang tulong. Nais ni Carmine na magpanggap siyang fiancé nito para itaboy ang obsessed na babaeng may balak pa atang pikutin ang binata.

Pumayag si Belle dahil bahagi na rin ito ng kanyang trabaho subalit di niya mapigilang mahulog pa ng todo ang loob sa kanyang amo. Langit at lupa ang pagitan nila ni Carmine pero hindi maiwasan ng ambisyosang katulong na mangarap ng isang fairy tale na alam niyang imposibleng mangyari.

Subalit sa pag-ibig, ang imposible minsan ay nagiging posible. Habang nahuhulog ang loob niya kay Carmine, naiin-love na rin kaya ito sa kanya? Mauuwi kaya sa totohanan ang kanilang pagpapanggap?