13th Rose

P 135.00

Add to my wishlist

DESCRIPTION

Gaano nga ba katagal kayang maghintay ng isang tao, para sa taong hindi naman sigurado kung kaya pa siyang mahalin o hindi. Gaano ba katagal kayang maghintay ng isang tao para sa pagmamahalang walang kasiguraduhan ang hinaharap?

Nang dahil sa isang aksidente, nalagay sa bingit ng kamatayan si Nash, ang kasintahan ni Brigette. Ilang buwan makalipas ang aksidente ay wala pa ring malay ang kasintahan ng dalaga, hanggang sa magpakita sa kanya ang isang diwata. Inatasan siya nitong mangolekta ng labintatlong rosas mula sa labintatlong lalaking paiibigin niya at ang kapalit nito ay ang pag-gising ni Nash, ang buhay na kanyang iniirog.

Matapos ang tatlong taon ay nakalabindalawang rosas na siya, isa na lang at magigising na si Nash. Makita na kaya niya ang lalaking magbibigay sa kanya ng huling rosas na inaasam niya? Makuha na niya kaya ang 13th Rose? O mauubos na ang oras na inilaan sa kaniya ng diwata?