Reduced price! Buy Still You online at Shopcentral Philippines.

Still You

P 79.96

-20%

P 99.95 tax incl.

Add to my wishlist

DESCRIPTION

Karen and Daniel used to be close friends, sa parte iyon ni Daniel dahil sa puso ni Karen, ang binata ang lalaking gugustuhin niyang makasama hanggang sa pagtanda niya. At hindi matatawaran ang sayang nararamdaman niya nang umakto ito na animo mahal na mahal siya nito. Umaasa na sana siya kung hindi lang pumasok sa eksena ang mahaderang ex-girlfriend nito. Nasira ang pagkakaibigan nila maging ang relasyon niya sa iba pa nilang mga kaibigan.

Pagkatapos ng ilang taon ay nagulat na lang siya na bumabalik sa buhay niya ang binata para alukin siya ng isang deal. Kailangan niyang magpanggap bilang girlfriend nito para mailigtas ito sa balak ng mommy nito.

And in the process, she’s starting to feel something for him na alam niyang matagal na niyang ibinaon sa kaibuturan ng puso niya. Paano ba namang hindi kung napaka-sweet nito sa kanya at kung umakto ito ay animo totoong nobyo niya.

Aasa na naman ba siya na sa ikalawang pagkakataon ay totoo na ang nararamdaman nito para sa kanya o masasaktan na naman siya sa kaalamang hindi niya mapapalitan ang ex-girlfriend nito sa puso nito?